Ang "My Number" system (マ イ ナ ン バ ー) ay inilunsad sa Japan noong katapusan ng 2015.
Ito ay nagsisilbing individual and distinct or unique number para sa social security, tax, at iba pang mga records ng pamahalaan. Ito ay binubuo ng 12-digit numbers na hindi maaaring baguhin sa oras na matanggap.
Habang ang pag-apply para sa My Number card ay hindi isang legal na obligasyon, ang mga naninirahan sa Japan ay hinihikayat na mag-aplay. Narito ang ilan sa mga pinaka-madalas na itanong tungkol sa sistema sa likod ng My Number sa Japan.
Para saan ang My Number?
Social Security and Tax Number System
Ang pangunahing layunin ng My Number ay gawing simple ang pamamaraan ng pamamahala sa pamamagitan ng pagbibigay sa lahat ng 12-digits unique number na gagamitin para sa seguridad sa lipunan, mga tala sa buwis, at tugon sa kalamidad sa Japan.
Masasabing isa sa mga dahilan ng pagpapatupad ng My Number ay upang masubaybayan ang: (1) social security, kasama na rin ang pag-control sa mga benefits na binibigay nila, sa (2) tax system tulad ng income tax and residence tax, at (3) disaster response o ang kanilang pagbibigay tulong sa mga nabiktima ng mga kalamidad.
Sino ang maaaring mag-aplay ng My Number card?
Upang maging eligible sa My Number card, ang aplikante ay dapat na:
Japanese citizen; o
Foreign Resident.
Foreign Residents
Masasabing under sa category na ito ang mga Pilipino na:
Naninirahan sa Japan na mas mahaba kaysa sa 3 months;
Nabigyan ng Residence Card; at
May nakarehistrong address sa kanilang local ward office.
Essentially, ang mga may hawak na long term visa ay kabilang dito.
Hindi ito nalalapat sa mga visitor na short-term stays (sa ilalim ng tatlong buwan) at mga may hawak ng tourist visa.
Paano mag-apply ng My Number?
Pagkatapos magparehistro ng iyong address sa iyong local ward office (Paalala: gawin ito sa loob ng iyong unang dalawang linggo sa Japan!), makakatanggap ka ng tinatawag na notification card at isang application form via post mail.
Punan ang application form na natanggap at isama ang isang passport style picture (4.5cm x 3.5cm) within the last 6 months.
Maaaring mag-apply sa pamamagitan ng post mail o online.
Kailangan ko bang gawin ito?
Hindi, ngunit dapat.
Habang ang programa ay medyo bago at hindi sapilitan, ang Japanese government ay may mga plano na palawakin ang paggamit ng sistema ng My Number sa hinaharap. Posible na ang iyong My Number card ay nakatali sa iyong trabaho, mga account sa bangko, mga tala ng buwis, at seguridad sa Japan. Maging wais na mag-aplay at kunin ito sa lalong madaling panahon.
Kailan safe ibigay ang My Number details mo?
Dapat mo lamang ipagkatiwala ang iyong impormasyon sa My Number sa mga sumusunod:
ang iyong employer,
ang iyong local ward office (city hall);
mga tax offices;
mga financial institutions (banks, remittance);
mga medical insurers; at,
mga pension organizers.
Sa labas ng mga grupong ito, panatilihing pribado ang iyong impormasyon!
Ano ang dapat kong gawin sa My Number card kapag kailangan ko ng bumalik sa aking bansa?
Sa oras na ikaw ay babalik na sa Pilipinas at hindi na babalik pa, kailangan mong kanselahin ang iyong My Number card.
Sa pagbabalik ng iyong My Number, ito ay nangangahulugan na hindi na ito magagamit para sa iba pang tao, at hindi ka na makakakuha pa ng bago kung bumalik ka sa Japan.
Kung sakaling makabalik sa Japan na may pang-matagalang visa, parehong My Number ay iyong matatanggap.
For more information, maaaring bisitahin ang website na ito:
Comentarios