top of page
Writer's pictureDCOM Filipino

Package/Sulat na di natanggap: Paano makuha?

Updated: Sep 27, 2019

Naranasan mo na bang umorder online (i.e. Amazon, Wish, H&M, F21, or Filipino food) at nagkataon na wala ka sa inyong bahay?

Usually, kapag hindi nakuha ang isang mail/package dahil sa trabaho o nasa labas ka ng bahay, isang mahabang papel ay lilitaw sa iyong pinto.

Ang mahabang papel na ito ay tinatawag na Gofuzai-renraku-hyou (ご不在連絡票) o Attempted Delivery Notice or Undeliverable Item Notice.


SAMPLE Absence Notice. Yamato (left); JP Post (right)


Redelivery Request


Ang fuzaihyou (不在表 ) o redelivery request sa Japan ay mabilis at maaasahan.


Sa karamihan, ang papel na ito ay mula sa -Japan Post- o isang pribadong serbisyo tulad ng Kuroneko. Kung ito ay JP Post, ang opisyal wording is 郵便物等お預かりのお知らせ (yūbinbutsutō oazukari no oshirase), ito ang papel na iiwan nila sa iyong mailbox o kaya sa iyong pinto kapag wala ka sa bahay para kunin ang iyong mail.


Maaaring i-reschedule muli ang mga deliveries sa pamamagitan ng:

  • 24-hours telephone answering system (pwede ang Ingles, ngunit may charge)

  • Online Website ng Japan Post

  • Mail (gamit ang sulat na iniwan sa iyong pinto)


 

Telepono

Mapapansin na may contact number na naka-sulat sa papel na natanggap. Tawagan lamang ito at i-schedule upang matanggap ang mail/package.

 

QR CODE Scan lamang ang QR Code na makikita sa papel at maa-access muna ang website ng JP post.

 

Online Website


Una sa lahat, kunin ang iyong notice at magtungo sa JP Post tracking website link.


First step. Sa box sa gitna ng pahina na may label na "Please enter Notice Number", ilagay ang 6 or 11-13 digit na numero sa iyong papel at mag-click sa next (次へ進む、つぎへすすむ).


  • Sa # 1, na may label “郵便番号を入力してください,” ilagay ang iyong zip-code.

  • Sa #2, na may label “ご不在連絡票のお届け日を選んでください," May naka sulat sa Ingles na “Please select Delivery Date.”

NOTE: Ito ay maaaring nakakalito, ngunit ang ibig sabihin nito ay ang petsa kung saan napalampas mo ang iyong pakete, o ang petsa na dumating sila sa iyong bahay upang maghatid at wala ka doon.

  • Sa #3, ilagay ang uri ng mail na natanggap mo. Simula dito mukhang isang mahabang listahan ng mahirap basahin na Kanji, ang bawat isa ay may isang numero sa tabi nito. Sa iyong papel, makikita mo ang isa sa mga numerong ito. Itugma lamang ang iyong numero sa isa sa listahan.

Sa #4 ang mga pamamaraan na nais mong ma-redelivered ang iyong mail. Narito ang listahan:

  1. ご自宅等 – Ipadeliver sa iyong bahay

  2. ご近所様に配達 – Ipadeliver sa iyong kapitbahay

  3. 勤務先に配達 – Ipadeliver sa lugar ng iyong trabaho

  4. 配達を担当している郵便局の窓口でお受け取り— Pickup sa pinaka-malapit na post office

  5. 他の郵便局の窓口でお受け取り— Pickup sa ibang lugar na post office

Delivery Time

Ang huling pahina ay may listahan ng mga petsa at oras na nais mong maihatid ang iyong mail. I-click lamang ang iyong pinaka-convenient na oras, telepono, pangalan, at e-mail address sa ibaba. Tapos ay mapupunta ka sa confirmation page.



Ito ay maaaring nakalilito dahil sa lahat ng mga nakasulat na Kanji, ngunit sa baba may mga Ingles na nakasulat.

 

Post Office (direct)


Dalhin lamang ang mga sumusunod sa pinaka-malapit na JP Post Office:

  • Absence Notice

  • Documents to verify your identity, tulad ng Residence Card.


89 views0 comments

Comments


bottom of page