Sa wakas, ang pinaka-sikat na discount retail store sa Japan ay mag-eexpand!
Ang mga operator ng Don Quijote ay kasalukuyang tinitignan ang Pilipinas kasama na din ang Taiwan, Malaysia, at Hong Kong para sa kanilang international na paglulunsad.
Ang announcement ay galing sa launch ng Don Quijote's new shopping complex sa Bangkok na tinatawag na Donki.
Ayon kay Koji Ohara, CEO ng Don Quijote, sila ay naglalayon na dagdagan ang kanilang branches/stores mula 41 hanggang 200 sa kanilang overseas Asian expansion. Sa ngayon, mahahanap lamang ang Don Quijote sa Japan, Singapore, Thailand, Hong Kong, at Hawaii.
Comentarios