top of page
Writer's pictureDCOM Filipino

28-year old na lalaki, namatay habang nagsu-sunbathing


Yatomi City, Aichi Prefecture -- Noong Tuesday, isang babaeng nakatira sa Yatomi City, Aichi Prefecture, ang lumabas lamang sandali sa kaniyang tirahan. Pagka-alis niya, ang kaniyang 28-year old na anak na lalaki ay nag set-up ng folding chair sa kanilang garden para mag sun-bathing. Ito ay lagi niyang ginagawa dati pa.


Noong pag-uwi ng kanyang nanay, around 3:20PM, nakita nal ang niyang naka-comatose ang kanyang anak sa upuan. Mabilisang tumawag ng paramedics ang kaniyang nanay. Ang sabi nila ay ang 28-year old na lalaki dumanas ng cardiac arrest at ito ay mabilisang dinala sa hospital. Ngunit, ang anak ay patay na 40 minutes after makita ng kanyang nanay. Sabi ng mga doctor, ang pagkamatay ng 28-year old na lalaki ay dahil sa effect ng heatstroke.


Pagkamatay nung 28-year old na lalaki, sumunod ang 68 people in Aichi Prefecture ang na hospitalized dahil sa heatstroke.

86 views0 comments

Comments


bottom of page